Active

Kampanya para sa Firefox 3rd Party Installer

14 June - 14 July 2024

Noong 2023, ang isang makabuluhang bahagi ng pag download ng Firefox desktop ay nanggaling sa mga di-kilalang source. Sa tingin namin, karamihan sa kanila ay nagmula sa mga 3rd party website kung saan pwedeng mag-download ng Firefox. May ilang mga website na okey lang, pero yung iba ay maaaring maging dahilan na makapag-download ka ng lumang bersyon o kaya yung may maling locale, na pwedeng pagmulan ng pangit na user experience, o kaya ay delikadong installation.

Tulungan ninyo kaming malutas ang misteryo ng mga 3rd party website na ito na may Firefox installer sa pamamagitan ng paglahok sa kampanyang ito!

Magkakaroon ng giveaway at babanggitin ka sa blog kung magawa mong makapag-ulat ng 10 wastong ulat. Kaya huwag mo rin kalimutang imbitahin ang mga kaibigan mo para rito!


Isumite ang iyong mga natuklasan

Kunwari may bago kang laptop, at gusto mong mag-download ng Firefox sa bago mong machine.

Unang hakbang: Maghanap sa web

Gumamit ng magkakaibang kombinasyon ng mga keyword, halimbawa, “download Firefox”, “mag-install ng mozilla firefox”, atbp., para makahanap ng mga di-opisyal na site na hinahayaan ang mga user na makapag-download ng Firefox desktop nang hindi muna dumaraan sa Mozilla.org.

Ikalawang hakbang: Tukuyin ang “di-opisyal” na pag-distribute

Tukuyin ang website na hinahayaan ang mga tao na mag-download ng Firefox nang hindi muna dumaraan sa Mozilla.org.

Ikatlong hakbang: Iulat ang website

Magpasa ng ulat gamit ang form na ito, para masuri pa ito lalo ng Firefox team.

Magsumite ng ulat

Tutorial video

Mga Madalas Itanong

Q: Dapat ba akong gumamit ng ibang browser maliban sa Firefox?

A: Hindi naman. Karamihan sa mga user na naghahanap ng Firefox ay ginagawa ito gamit ang ibang mga browser gaya ng Edge, Chrome, Safari o Opera at ang mga resulta ng search engine ay maaaring depende sa browser na iyong ginagamit.

 

Q: Paano ko malalaman kung hindi opisyal ang isang installer?

A: Sa Windows, kapag binuksan mo ang na-download na .exe file, makakakita ka ng pop-up na may nakalagay na “Verified publisher.” Kung “Mozilla corporation” ang publisher na nakalagay, mayroon kang opisyal na installer.

 

Q: Paano ko malalaman ang bersyon ng Firefox na kaka-install lang?

A: Buksan ang hamburger menu ng Firefox, piliin ang “Tulong” at pagkatapos ay “Tungkol sa Firefox”. Magbubukas ang isang pop-up at ipapakita ang iyong bersyon ng Firefox na meron ka.

 

Q: Paano ko malalaman ang lokal ng Firefox na kaka-install lang?

A: Ilagay ang about:preferences#general, makikita mo ang wikang kasalukuyang ginagamit upang ipakita ang mga menu, mensahe o notification.

 

Q: Paano ko mahahanap ang link sa pag-download ng installer (kadalasang hindi halata sa mga button sa pag-download)?

A:

Sa Firefox, buksan ang download panel, i-right-click ang na-download na file at piliin ang “Copy download link”.

Sa Chrome, pumunta sa chrome://downloads, tukuyin ang na-download na file, i-right click ang pangalan ng file at kopyahin ang download address.

Sa Edge, pumunta sa download panel, i-right click sa na-download na file at piliin ang “Copy download link”.

Q: Ano ang lokal ng browser?

A: Ang lokal ng browser ay ang wika ng iyong browser interface. Huwag malilito, iba ito sa kagustuhan sa wika para sa website kung maraming wika ang ginagamit.

 

Q: Ano ang pinakabagong bersyon ng Firefox?

A: Sa kasalukuyan 127. Gayunpaman, maaari mong tingnan ang pinakabagong bersyon ng Firefox sa pamamagitan ng release notes.

 

Q: Ano ang itsura ng pinakabagong Firefox logo?

A:

 

Q: Ano ang gagawin ng Firefox team sa data?

A: Sa tulong ninyo, matutukoy namin ang mga katangian ng mga third-party website kung saan ma-download ang Firefox maliban sa opisyal na pinagkukunan. Ito ay ginagawa para mapagbuti ang pamamahagi ng Firefox tungo sa mas mahusay na seguridad, pribasiya, at user experience sa mga gumagamit ng aming browser.